Home » Post Item » Message from the Director
Message from the Director
March 11, 2009
Isang pagbati mula sa kaharian ng Libronya!
Ang pagbibigay ng buhay sa katauhan ng mga libro ang ipinagkaloob sa produksyon ng Maykapal upang aming itanghal sa kapwa namin na naghahanap ng kasagutang bumabalot sa lipunan. Magkahalong saya, kaba at pananabik ang aking nararamdaman sa pagtatanghal ng “LIBRONYA” .
Sa kabila ng hindi matwarang paghahanda ng buong produksyon, walang nilayun ang aking puso kung hindi ialay sa Maykapal at mga manonood ang kwentong ito na tumatalakay sa buhay ng limang libro. Hangad ko na maunwaan ng bawat indibidwal sa lipunan na may pananagutang dapat isagawa sa maayos at masistemang paraan. Ang pagkakaisa ang siyang kaialiangan upang makammit ang walang humpay na pagmamahalan.
Nawa’y buhayin nila Philip, Liya, Liwayway, Toryo at Pepe ang inyong mga puso at isipan.
MAPRUTAS NA PASASALAMAT SA LAHAT NG SUMUPORTA SA AMING PAGTATANGHAL!
-Darille Dayne Cabrera
Direktor - “Tutri-Fruti Production”
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


