Home » Post Item » An Opening of LIBRONYA
An Opening of LIBRONYA
March 11, 2009
“Agiwan ang mga sinapot nating kaalaman. Magbasa ka at mamulat sa reyalidad. “ Ito ang kwentong hatid ng Libronya. Isang mundong pinaghalong lungkot, tuwa, tampo at galit.
Napakasarap namnamin ang bawat palakpak na maririnig mo mula sa iyong mga manonood. Animo tubig na pumapawi sa lahat ng uhaw at pagod na igunugol mo para sa isang di matatawarang obra, bagaman sabi ng iilan ay “Common” na. Subalit hindi matitibag ng isang simpleng kritisismo ang pagpupursige ko na lumikha ng isang kwentong, alam kong hindi ganun “ka-unique”, subalit ramdam kong palakpakan ng mga tao. At bilang isang manunulat, kailangan tangggapin ang katotohanang maaring mas maganda ang kwento NILA. Kailangan ko ring tanggapin ang posibilidad na maaring wala kaming maiuuwing parangal. Ngunit hindi ako hinubog upang manalo sa bawat laban, bagkus lumaban ng may puso at dangal.
Alas 10:00 ng gabi. Nakaupo ako sa duyan. Nagpapahanging. Yamot ako ng mga panahong yaon. Nagiisip ng ipapasang kwento para sa Dramafest ’09. Isip.Isip.Isip. Ipinikit ko ang aking mga mata. Suminghay. Nagdasal. Humingi ng gabay ng diyos. May nakikita akong libro sa aking isip. Kulay asul at may putting kalapati sa gitna. Ito ang simulang kwento. Libronya. Isang kaharian ng mga ;aklat. Sa reyalidad, silid-aklatan.
Nahirapan akong bumu0 ng konsepto, ngunit mas mahirap pala na ikwento kung paano ito nabuo. Haay. Akmang-akma lksa pangkasalukuyang estado ng lipunan.
Noon, ngayon at sa hinaharap, may isang layunin, isang adhikain……..
Viva Libronya!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


